Tuesday, June 23, 2015

Balete Drive

Balete Drive in New Manila, Quezon City.  Known for its “ang babae sa Balete Drive.”  Sabi ng mga matatanda wag ka dadaan sa balete drive lalo na pag hatinggabi kasi may lumalabas na white lady.

Dati ang office na pinapasukan ko malapit sa Balete Drive, madaming mga Balete Tree sa paligid, hence the name.  Marami din ako naririnig na kwento sa mga ka-officemate ko. 

Meron doon stairs na papunta sa sales department, nagtataka kami bakit lagi may nalaglag dun sa hagdan na yun.  Sabi ng mga nahuhulog dun kasi may tumutulak daw sa kanila.

Sa warehouse naman namin, natakot un isang warehouseman namin dahil may nakita daw siyang anino na walang ulo, hinahabol daw siya. May iba naman nakakatanggap ng tawag sa phone, pero ang kausap nila un boses daw e parang galing sa ilalim ng lupa.

One day around 6:00pm, palabas ako ng lobby namin, may nakita akong isang tao na nakatalikod, nakasisik siya dun sa mga boxes na for delivery for the next day. Nagtaka ako kasi di ko siya kilala pero ano ginagawa niya sa loob ng lobby. Nung malapit na ako sa kanya, bigla na lang nawala un lalake na naka suot ng white t-shirt. Nagulat ako kasi impossible makalabas siya na di ko makikita.  I was speechless di ko alam how that happened.

Mystery or guni guni lang?

By: kwentong balete

Do you have interesting stories to tell? Share them here!

No comments:

Post a Comment