Thursday, June 18, 2015

Bata-batuta

Sa iyo ang mundo kapag bata ka sabi sa kanta ng APO hiking society. 

True kasi wala naman iniisip na problema, simple lang ang buhay.  Makapaglaro lang masya na.
Naranasan mi ba na madikitan ng chewing gum sa buhok, kasi akala mo di siya didikit pero di mo na siya matanggal, nakalulun ng barya kasi kala mo candy, buti na lang at lumabas sa pupuh mo. 

Napagalitan ka ba ng nanay mo kasi akala niya hinahalikan mo ang pusa, pero ang totoo e pilit mo pinapaliguan ang pusa kasi dirty na siya sa paningin mo. Naipasok mo ba ang buti ng champoy sa ilong mo, kasi gusto mo lang subukan kung kakasya ba ito? Buti na lang at natanggal ng uncle mo. 

Sumakit ang ngipin mo at naglambing ka sa nanay mo at niyakap ka niya, at nang nanuod ka ng sesame street sa tv e biglang nawala ang sakit.


Marami tayong kwento nung mga bata pa tayo, di lahat naaalala natin pero mga ibang alala kahit tumatanda na tayo di natin nakakalimutan.

by: Bata-batuta

Do you have interesting stories to tell? Share them here!

No comments:

Post a Comment